Sa okasyon ng Buwan ng Pambansang Buwan ng Pamana, ang mga kalipunan ng mga samahan ng mga nagmomoryon sa mga bayan ng Boac, Mogpog, Gasan at Torrijos ay sumasalamin sa mga pangkat kalutang bukod sa Brgy. Bangbang. Kailangan balikan ang School of Living Tradition noong 2012 at Kalutang Festival noong 2017. Kaugnay nito ang mga grupo ng mga manunubong sa apat na nabanggit na bayan. Sumasabay tayo sa takbo, tinahak at pananatili ng Kapatirang Moryon ng Marinduque para kay Kristo (KMMK), Samahan ng mga Moryon sa Mogpog at Praetorians. Ang tunguhin ng paggamit ng Solutions Mapping tool na Saliklakbay (Saliksik at Paglalakbay) ay upang madokumento ang mga diskarte at natatanging paraan ng mga nagmomoryon, manunubong at magkakalutang. Bilang bahagi ng GRIND (grassroots innovation for inclusive development) ang mga kategorya buhay na dunong tulad ng moryonan, kalutang at tubong, kinakailangan kilalanin at makilala sa loob ng Marinduque at maging sa labas nito. Ang mahalaga ay ang pagtukoy sa mga culture bearer o nagpapraktis ng buhay na dunong. Sa pamamagitan ng Saliklakbay “field guide” ay inaasahang maikukwento ng mga gumagawa ng buhay na dunong ang kanilang “mode of transmission” o mga pamamaraan ng pagpapalaganap o pagpapanatili nito. Higit sa lahat, maipabatid ang kahalagahan o “significance” ng likhang yaman ng Marinduque: mapahistorikal man, politikal, panlipunan, pang-espiritwal, pangkabuhayan o siyentipiko kahit “aesthetic.” Ang susi ng pagpapanibago at higit na pagyabong ng tradisyon ay ang lubos na pagpapahalaga dito para tumungo sa konserbasyon, “safeguarding” at pagprotekta dito. Harinawa’y makadagdag sa kaalaman at karunungan ang mga kalipunang ito, puso, dunong, mabuhay. Dr. Randy T. Nobleza Kolehiyo ng mga Sining at Pang-Aghamtao Pamahalaang Unibersidad ng Marinduque